Fernando Poe Jr., inalala sa ika-17 taon ng kanyang pagpanaw | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Fernando Poe Jr., inalala sa ika-17 taon ng kanyang pagpanaw

ABS-CBN News
Published Dec 14, 2021 12:39 PM PHT

MAYNILA -- Ginunita ni Sen. Grace Poe-Llamanzares, pamilya at mga taga-suporta ang ika-17 anibersaryo ng pagpanaw ni Fernando Poe Jr. o kilala rin bilang si FPJ.

Sa Instagram, ibinahagi ng senadora, anak ni Poe sa batikang aktres na si Susan Roces, ang isang art card para sa tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino.

"Ang iyong iniwang aral at legasiya ay mananatili sa aming mga puso. Maraming salamat, Da King!" ani Poe-Llamanzares sa caption.

Sa comment section ng kanyang post, ibinahagi naman ng netizens ang pag-alala at paghanga sa yumaong idolo.
Sa comment section ng kanyang post, ibinahagi naman ng netizens ang pag-alala at paghanga sa yumaong idolo.
ADVERTISEMENT
Samantala, ginamit din ng bagong Kapamilya actress na si Lovi Poe ang nasabing art card para alalahanin ang ama.

Ipinost ni Lovi ang nasabing artcard sa kanyang Instagram Stories nitong Martes ng umaga.
Matatandaang namatay si FPJ noong 2004 dahil sa stroke, ilang buwan matapos siyang matalo sa pagkapangulo.

Nakahimlay ang labi ng aktor sa Manila North Cemetery.

Kilala si FPJ sa kanyang mga patok na pelikula tulad ng "Ang Panday", "Muslim .357", "Dito sa Pitong Gatang", "Iyo ang Tondo, Kanya ang Cavite", at Ang Probinsyano" na siyang inspirasyon sa sikat na serye ng Kapamilya network na "FPJ's Ang Probinsyano," na pinagbibidahan naman ni Coco Martin.

Isa rin sa mga bituin ng serye ay ang balo ni FPJ na si Roces, bilang si Lola Flora, ang mapagmahal na lola ng bidang karakter na si Cardo Dalisay (Martin).

Mapapanood ang seryeng "Ang Probinsyano" sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, TV5, CineMo, iWant TFC, TFC, WeTV, at iflix.

Related videos:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT