PatrolPH

Sandara Park ‘super happy’ na nakakain ng Pinoy food sa Korea

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2020 01:27 PM | Updated as of Dec 13 2020 02:08 PM

Sandara Park ‘super happy’ na nakakain ng Pinoy food sa Korea 1
Sandara Park. Instagram: @daraxxi

MAYNILA – Ibinahagi ng K-pop star na si Sandara Park ang kaniyang labis na tuwa nang makakain ng aniya’y masarap na pagkaing Pinoy sa South Korea, kung saan siya nakabase ngayon.

Sa isang Twitter post gabi ng Sabado, nagbahagi ang 36 anyos na singer at TV host ng mga retrato ng nabili niyang Filipino food at beer mula sa isang restaurant sa Seoul.

“Sisig & kang kong & garlic rice & r*d h**se! Ang dinner ko ngayon~ ang sarap,” sabi ni Park sa caption ng post.

Sandara Park ‘super happy’ na nakakain ng Pinoy food sa Korea 2
twitter.com/krungy21

“May nahanap akong masarap na Pinoy resto sa Seoul. Super happy ako,” dagdag niya.

Marami namang Filipino netizen ang natuwa sa post ni Park, dating miyembro ng sikat na girl group na 2NE1. Ang iba’y niyaya pa si Park na sa inuman sa kanilang mga reply sa tweet.

Unang sumikat si Park nang sumali sa talent show na “Star Circle Quest” ng ABS-CBN noong 2004.

Noong 2009, nag-debut si Park sa South Korea bilang miyembro ng 2NE1, isa sa mga pinakamatagumpay na K-pop girl group. Nag-disband ang grupo noong 2016.

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.