'Feeling sikat': Alex Gonzaga, naglabas ng 'patamang' music video

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 12:28 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA -- Inilabas na ni Alex Gonzaga ang pinakabago niyang music video na may pamagat na "Amfee" nitong Sabado.

Sa kanyang bagong awitin, hindi natakot si Alex na ibahagi ang ilan sa mga masasakit na paratang na naririnig niya mula sa bashers.

"Itong kantang ito ay patama sa akin din, dahil ako raw ay napaka-feeling din. Ako ay isnabera, yumabang at nagkapera. 'Di naman daw big star, superstar lang ang aking sister. Kapag ako ay nandiyan akala mo kung ako ay sino. Wala namang nakakakilala dahil ako nga'y isang anino. Ang dami kong dada, hindi naman daw maganda. Ang paborito kong paratang sa aking mabigat: itong si Alex G, feeling sikat," parte ng awitin ng "Amfee" ni Alex na ngayon ay trending na sa YouTube.

Sa ngayon ay may higit 800,000 views na ang music video ni Alex tungkol sa mga "feelingero."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.