Dating aktres Alona Alegre, pumanaw na

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2018 07:54 PM | Updated as of Dec 09 2018 08:41 PM

 

MAYNILA -- Pumanaw na sa edad na 70 anyos ang dating aktres na si Maria Lourdes Salvador o mas kilala bilang si Alona Alegre.

Sa ulat ng Pep, binaiwan ng buhay nitong Linggo si Alona dahil sa cardiac arrest dala ng kanyang sakit na asthma. ito ay kinompirma ng kanyang kapatid na si Philip Salvador.

Nakilala si Alona bilang isang sexy star noong dekada '70 na bumida sa mga pelikulang tulad ng "Kung Bakit Dugo ang Kulay ng Gabi," "Sa Bawat Pintig ng Puso" at "Hello Lover, Goodbye Friend."

Isa rin si Alona sa mga naging leading lady ni Fernando Poe Jr. sa pelikulang, "Esteban" na ipinalabas noong 1973.

Sa ngayon, nakaburol sa Marian Memorial Chapel sa Marcos Highway Antipolo City ang mga labi ng dating aktres, ayon sa Pep.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.