Liza Soberano, pangarap na makagawa ng proyekto sa Korea

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 01:16 PM

MAYNILA -- Pangarap ng aktres na si Liza Soberano na makagawa ng isang proyekto sa Korea.

Sa panayam kay Liza ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz na inilabas sa YouTube nitong Huwebes, sinabi ni Liza na bukas siya sa kahit anong oportunidad.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Like I say, any opportunity is a blessing. Kahit saan pang bansa 'yan I would like to try," ani Liza.

Kung magkakaroon ng pagkakataon, sinabi ni Liza na pangarap niyang makatrabaho sina Jin o V mula sa sikat na K-pop group na BTS at ang Korean actor na si Nam Joo-hyuk.

"Well kasi sa BTS ang nakikita kong possible na maging actor ay si Jin o si V. Kahit sino sa kanila. Kung actor po ay Nam Joo-hyuk," ani Liza.

Ayon kay Liza, kung kinakailangan, mag-aaral siyang magsalita ng Korean.

"Kaya naman. Aaralin ko. I mean hindi madali sa akin mag-aral ng language pero mahilig ako mag-aral ng language. So I guess kaya naman. If it's a task given to me, kaya naman," ani Liza.

Kamakailan lang ay nagtungo si Liza sa Korea para manood ng concert ng BTS.

Isa ring tagahanga si Liza ng Korean girl group na Blackpink.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.