Kim Chiu, magbabalik-horror kasama sina JM de Guzman, Tony Labrusca | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kim Chiu, magbabalik-horror kasama sina JM de Guzman, Tony Labrusca

Kim Chiu, magbabalik-horror kasama sina JM de Guzman, Tony Labrusca

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 05, 2019 08:19 PM PHT

Clipboard

MAYNILA -- Balik-katatakutan ang Kapamilya star na si Kim Chiu para sa isang pelikula kasama si Jm De Guzman at Tony Labrusca.

Sa naganap na unang story conference nitong Huwebes, bakas na ang pananabik ni Kim na huling nanakot noong 2017 sa pelikulang "The Ghost Bride."

"Masaya ako na pinagkakatiwalaan ako sa mga horror films. It's really out of my comfort zone kasi in real life, ayoko talaga sa multo pero sinunundan talaga nila ako sa movie," tugon ni Kim sa panayam.

At kahit nalilinya sa pananakot, aminado ang aktres na challenge sa kaniya na takutin ang mga manonood.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Hindi naman ako malungkutin, hindi naman ako mahilig sa mga ganyan, so challenge siya for me. Every time I do a horror movie, it's a challenge for me na mapaniwala ko 'yung mga tao na kailangan nilang matakot," ani Kim.

Ito rin ang unang beses na makakasama niya sina JM at Tony na naghahanda na rin sa kanilang magiging karakter.

"I feel blessed na makakasama ako dito. Na-overwhelm ako and excited. Siguro gusto ko lang muna mag-focus sa role na binigay sa akin," sabi ni JM.

Para kay Tony, na baguhan pa lang sa paggawa ng horror movie, hindi niya inasahan na mapapabilang siya sa proyekto ng Star Cinema.

"At first, I was very honest with direk, like, 'Are you sure you want me?' Kasi I mean I believe in you guys but I'm not sure if I necessarily believe in myself yet," sabi ni Tony.

Inaasahan na sa unang bahagi ng 2020 mapapanood ang pagsasamahang proyekto nina Kim, JM at Tony sa pamumuno ng direktor na si Derick Cabrido.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.