'Everybody, Sing!': 'MMK' letter senders wagi ng P70,000

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2022 08:57 PM

Screenshot from ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Screenshot from ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Nakakuha ng P70,000 ang "songbayanan" ng letter senders sa "Maalaala Mo Kaya" mula sa community singing game show na “Everybody, Sing!” nitong Linggo. 

Naitama ng 50 contestants ang pitong kanta sa jackpot round sa loob ng nalikom na 77 segundo sa mga naunang bahagi ng laro. 

Bigo silang maiuwi ang jackpot prize na P1 milyon dahil hindi nila nahulaan ang tatlong na iba pang awitin. 

Sa ngayon, tatlong grupo pa lang ang nagwagi ng P1 million sa second season ng show — beauticians, bank employees, at gas station employees.

Mapapanood ang "Everybody, Sing!" tuwing Sabado at Linggo, 7 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC. 

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC