Jessa Zaragoza: dating barrio singer, 'Phenomenal Diva' na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jessa Zaragoza: dating barrio singer, 'Phenomenal Diva' na

Jessa Zaragoza: dating barrio singer, 'Phenomenal Diva' na

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tunay na maningning ang bituin ng tinaguriang "Phenomenal Diva" na si Jessa Zaragoza, na ipinagdiriwang ang kaniyang ika-20 anibersaryo sa industriya.

Binalikan ni Jessa ang kaniyang karera sa programang "ASAP" nitong Linggo.

Kuwento ni Jessa, nasa murang edad pa lang siya'y hilig na niya ang pag-awit.

"Lagi talaga ako sumasali sa mga singing contest, sa school, sa mga barrio, lahat yan sinuyod namin ng mommy ko," ani Jessa.

ADVERTISEMENT

Mas nakilala si Jessa sa kaniyang pagiging bahagi ng programang "That's Entertainment" noong dekada '90.

Dumating ang kaniyang "big break" ni Jessa sa musika nang makilala niya ang kompositor na si Vehnee Saturno.

Si Vehnee ang may likha ng isa sa pinakatanyag na awitin ni Jessa, ang "Bakit Pa."

Kuwento ni Jessa, pumatok ang "Bakit Pa" hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

"May mga fans na kumakanta na Japanese, Middle Eastern, Amerikano," ani Jessa.

Bilang pagbibigay parangal, itinanghal ng ilang ASAP Kapamilya gaya nina Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Sarah Geronimo, Angeline Quinto at Daryl Ong ang ilan sa mga sikat na awitin ni Jessa.

Kabilang dito ang "Di Ba't Ikaw," "Hindi Na Bale," "Recuerdo De Amor," "Siya Ba Ang Dahilan" at "Pa'no Kaya."

Sa Disyembre 8, Biyernes, nakatakdang idaos ni Jessa at ng mister na si Dingdong Avanzado ang kanilang “20/30 Anniversary Concert” sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.