Noli, Korina make it to Eastwood Walk of Fame

by Mario Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2010 05:53 PM | Updated as of Dec 02 2010 01:55 AM

MANILA, Philippines – Sa pambihirang pagkakataon, pinarangalan ng beteranong showman na si German Moreno sina Noli de Castro, Korina Sanchez, Cheche Lazaro at iba pang batikang brodkaster sa Eastwood Walk of Fame na karaniwang nagtatampok ng mga icon at iba pang sikat na bida at idol sa show business.

Laking tuwa nina de Castro at Sanchez na mahanay sa mga alamat ng show business tulad nina Sylvia la Torre, Freddie Aguilar, Bella Flores, Julie Vega at iba pa.

Kinilala rin sina Jericho Rosales, Coco Martin, Janice de Belen, Imelda Papin, Claire dela Fuente, Eva Eugenio at iba pang bituin.

Ayon kay Moreno, tama lamang na kilalanin ang mga personalidad sa media dahil pinakislap din nila ang telebisyon at kalakhang showbiz.

Kinilig din si Sanchez sa pagdalo ng kanyang idolo na lagi niyang ginagaya noon sa radyo dzMM.