Oprah Winfrey, imbitado sa kasal ni Jake Zyrus? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Oprah Winfrey, imbitado sa kasal ni Jake Zyrus?

ABS-CBN News
Published Nov 30, 2018 11:28 AM PHT
|
Updated Nov 30, 2018 11:51 AM PHT

MANILA -- "Lahat naman ng espesyal sa buhay ko invited."

Ito ang sinabi ni Jake Zyrus nang mapag-usapan ang isyu ng pagpapakasal niya sa fiancee niyang si Shyre Aquino.

Sa isang media conference, sinagot din ni Jake Zyrus kung kasama ba sa kanyang mga iimbitahan sa kasal ang sikat na American host na si Oprah Winfrey.

"Aba ay kung hindi siya busy, magpa-private jet lang 'yon. Halos lahat naman ng espesyal sa buhay ko ay invited, kung mangyayari ay kumpleto na po ang lahat," ani Jake Zyrus.

ADVERTISEMENT
Matatandaang isa si Oprah sa mga ninang ni Jake Zyrus o dating kilala sa kanyang pangalang Charice.

Nang matanong naman tungkol sa kanyang pamilya, aminado si Jake Zyrus na hindi na siya magtataka sakaling hindi na dumating ang mga ito.

"You all guys know my family. Alam niyo na how they talk, alam niyo na like ano ang perspective nila when it comes to me, with my sexuality, with everything. So I wouldn't be surprised kung wala sila roon and it wouldn't hurt at the same time. Kasi again, I know my family and I've accept[ed] them, I've accepted it. Whatever it is kung ano ang relasyon namin," ani Jake Zyrus.
Giit ni Jake Zyrus, masaya siya ngayon sa kanyang buhay at pag-ibig.

Pagbabahagi pa ng mang-aawit, nagsisimula pa lang ang kanilang preparasyon sa pagpapakasal na gagawin nilang pribado.

May naisip na rin aniya silang petsa ng kanilang kasal na maaaring maganap sa labas ng bansa.

"Kasi yun nga sabi namin sa ibang bansa definitely kasi hindi naman allowed dito," ani Jake Zyrus.