Atak Arana, nakatanggap ng maagang Pamasko | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Atak Arana, nakatanggap ng maagang Pamasko

ABS-CBN News
Published Nov 26, 2018 07:58 PM PHT

MAYNILA -- Masayang Pasko ang haharapin ngayon ng komedyanteng si Atak o Ronie Arana sa tunay na buhay.

Kasunod ito nang pagkaka-dismiss ng kaso na kinasangkutan niya kamakailan kung saan inakusahan siya ng isang hotel attendant ng pang-momolestiya.

Sa naging panayam ng ABS-CBN News sa komedyante sa launch ng kanyang bagong single na "Attack na si Atak", masaya niyang ibinalita ang bagong update sa naging kaso.

"Na-dismiss na 'yung kaso. Ibig sabihin ang abogado ko na ang bahala sa mga susunod na gagawing hakbang. Nakakatuwa dahil wala na 'yung naiisip mo, mas payapa ako ngayon," masayang kuwento ni Atak.

Kasabay ng magandang pangyayari sa kanyang buhay ngayon ang muli namang nanumbalik ng ala-ala ng namayapang direktor na si Wenn Deramas na kilalang malapit at tumutulong sa kanyang karera bilang isang komedyante.

"Sa mga ganitong mga okasyon madalas ko siya naaalala, sa mga press con, sa mga ganitong mga event. Kasi ilang pelikula din ang pinagsamahan namin ni Direk Wenn, lahat, ang dami ko natutunan sa kanya," aniya.

Ayon pa kay Atak, hanggang sa ngayon, baon pa rin niya ang mga aral na ibinigay sa kanya ng matalik na kaibigan.

"'Yung mga ginawa namin ni Direk Wenn na teleserye, raket sa ibang show, nakaka-miss at 'yun alam naman natin na si Direk Wenn humble beginnings din ang sinimulan. Siya ang nagturo sa akin ng mga bagay-bagay na hanggang sa ngayon ginagawa ko at nakakatulong para sa akin," pahayag pa ng komedyante.

Sa ngayon, nakatakdang magbalik sa Kapamilya network si Atak para sa isang bagong proyekto na kanyang kabibilangan.