Erik Santos nagluluksa sa pagpanaw ng kaniyang ina | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Erik Santos nagluluksa sa pagpanaw ng kaniyang ina

ABS-CBN News
Published Nov 25, 2022 04:46 PM PHT

MAYNILA – Malungkot na ibinahagi ng Kapamilya singer na si Erik Santos ang pagpanaw ng kaniyang ina na si Angelita.

Sa kaniyang Instagram account, nagpahayag ang mang-aawit ng kaniyang pagmamahal kay nanay Angelita na yumao sa edad na 66 anyos.

“Mahal na mahal na mahal kita, Nanay,” saad ni Santos sa caption. “She is finally home with Jesus. I love you so much, Nanay.”

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang maraming kaibigan ni Santos sa showbiz tulad nina Ogie Alcasid, Kyla, Jugs Jugueta, Yeng Constantino, at Zsa Zsa Padilla.

ADVERTISEMENT
Nito lamang Oktubre, humiling si Santos ng panalangin para sa full recovery ng kaniyang ina sa kaniyang kaarawan sa 'ASAP Natin 'To' stage.

"I would like to ask for prayers for my mom for her complete healing. ‘Yung kantang ‘Wind Beneath My Wings’ ‘yun po ‘yung kanta ko sa kanya," ani Santos.

"It’s been so challenging for the family for the past months and gusto kong maging masaya siya so ‘pag napanood niya ’to alam kong magiging masaya siya dahil ‘yung kantang ‘to and on my very special day I would love to honor her and to say that I love you so much, Mommy," dagdag pa niya.

Hindi binanggit ni Santos kung ano ang karamdaman ng kanyang ina.

"Nandito lang kami para sa ’yo. You are our hero together with Tatay and I want you to know that you have been and will always and forever be the wind beneath our wings. We love you and kaya natin ‘to. Kapit tayo."

Nagsimula ang karera ni Santos nang magwagi sa "Star in a Million" noong 2003.

KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT