Bea at Angelica, nagtulungan para makapag-move on

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2019 11:30 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Magkasamang humarap sa media conference para sa pelikulang "Unbreakable" sina Angelica Panganiban at Bea Alonzo.

Parehong kontrobersyal ang personal na buhay ng dalawa at aminado na nagkatulungan na maka move on sa love life nang magkatrabaho para sa pelikula.

"May pinagdaanan siyang based in the past at ako rin, halos pareho ang pinagdaanan. 'Di ba ganun 'yun kapag nakaka-relate kayo sa pinagdadaanan ng isa't isa, mas bonded kayo. Kasi tinutulungan niyo ang isa't isa na mag-heal at tinutulungan niyo ang isa't isa na maka-move on," ani Bea.

Dagdag ni Angelica, mas may lalim na ngayon ang kanilang pag-uusap ni Bea at ang kanilang pagkakaibigan.
 
"Kasi ngayon mas may maturity, hindi na lang puro harot. Siyempre noon, wala kayong ginawa kung hindi magkulitan lang, magkuwentuhan lang, mag-pictorial sa garden kapag may magandang background, parang day-off lang namin lagi. Ganoon lang ang samahan namin dati, mas lumalim talaga ngayon. Siguro alam ng tadhana na matutulungan namin ang isa't isa," ani Angelica.
 
Natanong din si Bea kung handa na ba siyang magkaroon muli ng inspirasyon.
 
"Magpapahinga muna ako. Parang hindi ko pa kaya. Hindi naman kailangan na magka-boyfriend para patunayan na naka-move on ka na," ani Bea.
 
Ipapalabas ang "Unbreakable" sa November 27.