ABS-CBN.
MAYNILA — Tagumpay ang 100 pharmacists at botika employees na masungkit ang jackpot prize na P2 milyon sa "Everybody, Sing!" nitong Linggo.
Sa loob ng 69 seconds, 10 kanta na lamang ang kailangan ng grupo para makuha ang jackpot.
Hindi naman nadagdagan ng 10 segundo ang grupo matapos makuha ang bonus track.
Nanalo ng P80,000 nitong Sabado ang mga contestant at mag-uuwi sila ng kabuuang premyo na P2,080,000 at kanila itong paghahatian.
Tatlong grupo pa lang ang nananalo ng P2-million jackpot prize sa ikatlong season ng show: engaged couples, Manila fire survivors, at mangangalakal.
Mapapanood ang "Everybody, Sing!" tuwing Sabado at Linggo, 7 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, TV5 at TFC.
KAUGNAY NA ULAT:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.