Karla Estrada, inalala ang kabutihan ni Boy Abunda | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Karla Estrada, inalala ang kabutihan ni Boy Abunda

ABS-CBN News
Published Nov 21, 2017 01:44 PM PHT

MANILA -- Inalala ni Karla Estrada ang kabutihang ginawa sa kanya ng kaibigang si Boy Abunda sa "Magandang Buhay" nitong Martes.

Matapos mapanood ang mensahe ni Abunda, naging emosyonal si Karla sa pagbabalik-tanaw sa ginawang tulong ng batikang TV host.

"May time na dinala ko si Daniel (Padilla) sa kanya. Sabi ko, 'Tito Boy, tulungan mo ako.' Pinapasok niya ako sa dressing room niya at sinabi ko sa kanya 'Tito Boy, ito si Daniel, 14 years old siya ngayon. Gusto ko sana kung pwede siyang pumasok sa pag-aartista. Buligi ako kay pareho man kita Waray (tulungan mo ako dahil pareho naman tayong Waray)," ani Karla habang lumuluha.

"Sabi ni Tito Boy, 'Hindi kailangan na magkababayan tayo, (dahil) magkaibigan tayo.' Sabi niya, 'Ibubulong ko sa taas, tutulungan kita.' Ang laking bagay ni Tito Boy sa aming ma-ina dahil ibinulong niya sa itaas. At alam kong isa siya sa mga dahilan kung bakit nandito kami ngayon sa ABS-CBN. Thank you, Tito Boy at pinagbigyan mo ako," dagdag ni Karla na nagdiriwang ngayon ng kanyang kaarawan.

Mensahe ni Karla kay Boy, mananatili silang magkaibigan kahit saan sila mapunta.

"Nandito lang ako kahit anong oras. ... Kahit pa ano, nandito ako para sa iyo," ani Karla sa salitang Waray.