Karla at kasamahan sa 'That's Entertainment,' nagsama-sama | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Karla at kasamahan sa 'That's Entertainment,' nagsama-sama

Karla at kasamahan sa 'That's Entertainment,' nagsama-sama

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Sa bihirang pagkakataon nagsama-sama ang ilan sa mga miyembro ng Wednesday Group ng dating palabas na "That's Entertainment."

Nitong Lunes, bumisita sa "Magandang Buhay" sina April Magalona, Cecile Galvez, Tyrone Sason at Jojo Abellana para sorpresahan ang dati nilang kagrupo na si Karla Estrada na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

"Isang taon ko lang kasi silang nakasama. Pero 'yung one year na 'yon ay buhay na buhay sa mga alaala ko dahil naging close tayo," ani Karla sa kanyang mga dating kasamahan.

Kasama ring dumalo sa "Magandang Buhay" ang choreographer ng "That's Entertainment" na si Eugene de los Santos.

Para sa mga manonood, naging game naman si Karla na sayawin ang "Telephone" kasama ang miyembro ng Wednesday Group.

ADVERTISEMENT

Unang pag-ibig ni Karla ang pag-awit at dito rin siya nadiskubre ng kilalang talent manager na si Nap Gutierrez sa kilalang bar na Music Box noon.

"Sinabi niya sa akin kung gusto mong mag-artista. Sagot ko, 'Opo,'" pagbabalik-tanaw ni Karla na pinag-audition ni Nap sa "That's Entertainment" noong 1990.

"Noong araw nung audition, nagkaroon ako ng chicken pox, so umiyak kami ni Do ng mga tatlong balde. Sabi ko ano kaya ang reason bakit ako nagkasakit eh ito na 'yon. So tinawagan namin, sinabi hindi makakapunta kasi may sakit. Sabi ni Tito Nap, tawagan niyo ako kapag magaling na siya. Si Tito Nap, in fairness naniniwala siya sa akin. Naalala ko noon kumanta ako ng 'Better Days' after that sabi ni Tito Germs (German Moreno) o sige Wednesday Group ka na,'" ani Karla.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.