Jane de Leon at Kira Balinger, nagharap sa 'Mars Ravelo's Darna' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jane de Leon at Kira Balinger, nagharap sa 'Mars Ravelo's Darna'

Jane de Leon at Kira Balinger, nagharap sa 'Mars Ravelo's Darna'

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Naging maaksiyon ang unang paghaharap nina Darna/Narda (Jane de Leon) at Luna (Kira Balinger) sa seryeng "Mars Ravelo's Darna."

Sa ika-67 episode ng serye, nagkasukatan ng lakas at galing sa pakikipaglaban sina Darna at Luna sa kanilang pagkikita nang hindi agad maniwala si Luna na mula sa planetang Marte na si Darna na ang protektor ng bato.

Watch more News on iWantTFC

Natapos lang ang laban ng dalawa nang magpakilala na si Darna bilang anak ni Zora, ang unang Darna (Iza Calzado) o kilala bilang Leonor sa mundo ng mga tao.

Ayon kay Luna, si Zora ang tumayong nanay niya sa kanilang planeta. Si Zora rin ang naging inspirasyon at dahilan kung bakit nagpursige siya para maging isang mandirigma at handang maging protektor ng bato.

ADVERTISEMENT

Napaniwala lang ni Darna si Luna na siya ang protektor ng bato nang magbalik siya sa pagiging Narda at iluwa ang puting bato.

Watch more News on iWantTFC

Misyon ngayon ni Luna na mabawi ang mga kristales na kumalat sa iba't ibang bahagi ng Nueva Esperanza at naging dahilan para maging "ekstra" ang mga taong tinamaan nito.

Watch more News on iWantTFC

Mapapanood ang "Mars Ravelo's Darna" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z at TV5. Mapapanood din ang serye sa iWantTFC and TFC.

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.