Arjo Atayde, tinanong tungkol sa love life

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2018 04:50 PM

MANILA -- "Masaya po. Masaya ako." 

Ito ang naging tugon ni Arjo Atayde sa tanong kung ano ang estado ng kanyang puso ngayon.

Ito ay matapos lumabas ang mga balita na nagdi-date 'di umano sila ni Maine Mendoza.

Hindi naman nakapagbigay ng kanyang sagot ang aktor nang matanong tungkol sa kumakalat na mga retrato nila ni Maine.

Nang tanungin kung sino ang kanyang inspirasyon, tugon ng aktor: "Basta masaya po ako."

Nitong Huwebes ay pumirma ng kontrata si Arjo sa ABS-CBN.

"After almost seven years nakapirma na rin ako sa network. So, I'm very, very happy," ani Arjo na nakatakdang gumawa ng mga pelikula at serye.

Parte si Arjo nang paparating na seryeng "The General's Daughter" na pinagbibidahan ni Angel Locsin.

Ngayong Pasko ay parte si Arjo ng pelikulang "Jack Em Popoy: The Pulis Credibles" kung saan magkakasama sila muli ni Coco Martin na nakasama niya sa "FPJ's Ang Probinsyano" at ni Maine.

"Very, very thankful for every blessings. It's a blessing, I'm happy talaga," ani Arjo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.