PANOORIN: Ina ni Franco, inalala ang yumaong anak | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Ina ni Franco, inalala ang yumaong anak

PANOORIN: Ina ni Franco, inalala ang yumaong anak

ABS-CBN News

Clipboard

A post shared by Push (@pushalerts) on

MANILA -- Isang mapagmahal na anak. Ganito inilarawan ni Marissa Lumanlan ang kanyang yumaong anak na Franco Miguel Hernandez Lumanlan, isa sa miyembro ng grupong Hashtags.

Sa panayam ni ABS-CBN News reporter Jeff Fernando nitong Martes, inalala ni Marissa ang magagandang alaala ng anak na pumanaw matapos malunod noong Sabado sa Davao Occidental.

"Si Franco is very loving, lalo na sa family niya, especially sa sister niya. Isa lang ang kapatid niyang babae. The last na (ginawa) niya bago siya namatay, nagbigay pa siya ng sandwich sa kuwarto niya and he texted his sister, 'May sandwich ako para sa iyo, I love you.' He's very loving. Even to me nagte-text siya, 'Good night, I love you.' And everyday 'yan," ani Marissa.

Ayon kay Marissa, ang ginawang taping para sa "It's Showtime" ang naging huling usapan nila ng anak.

ADVERTISEMENT

"Because nga they taped several episodes, sabi lang niya na pagod na pagod lang siya, that's why he needs a break. He's going on a four-day vacation in Davao and unfortunately this accident happened," ani Marissa.

Sa kabila ng pagdadalamhati, nagpasalamat si Marissa sa lahat ng mga taong sumuporta at nagmahal sa kanyang anak, lalong lalo na ang kanyang mga tagahanga.

Hiling ng ina ni Franco na maliban sa panalangin ay huwag makalimutan ng kanyang mga tagahanga ang kabaitan ng anak.

"That's what's very important to us 'yung ma-retain 'yung alaala niya sa lahat ng tao at 'yung kabutihan niya. He loves his fans very much. Kahit pagod 'yan, basta may nakita siyang fans sa labas na gustong magpa-picture ay hindi niya dini-deny ang request. They can attest to that," ani Marissa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.