TINGNAN: Selebrasyon ng 12th anniversary ng ‘Showtime’ umarangkada na

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2021 07:10 PM

 Mula sa Facebook page ng
Mula sa Facebook page ng "It's Showtime!"


Umarangkada na ang halos 1 buwang selebrasyon ng ika-12 anibersaryo ng noontime show na “It’s Showtime!” kung saan isa-isa nang ipinakilala ang mga magkakagrupo sa “Magpasikat.”

Napuno ng kulay at kasiyahan nitong Sabado ang palabas sa kanilang “Labindala-woah” episode na sinimulan nila sa bagong composed na kanta na “Toxic Free” ni DJ MOD. 

Umikot ang nasabing bagong awitin sa pagiging malayang magsaya at mag-enjoy ng mga tao, lalo pa’t anibersayo ng noontime show. 

Ayon kay Vice Ganda, bigla na lamang niyang naisip na tawagan si DJ MOD para sa ideya na gumawa ng kanta para sa kanilang selebrasyon.

Matapos umano ang 10 oras, nabuo na agad ng mainstay DJ ng show ang awitin kasama na rin ang musika nito. 

Watch more News on iWantTFC

Kasunod din ang paglabas ng “Toxic Free” na kanta ang tila tirada ng dating direktor ng show na si Bobet Vidanes na napaulat na sinabing “toxic” umano ang palabas sa kaniya kaya siya umalis. 

Naging malaman din ang hirit ni Vice Ganda sa pagsalubong kay Ogie Alcasid bilang mainstay host na ng programa. 

Biro ni Vice, sinigurado umano niya na alam ng direktor na magiging host na siya ng “Showtime” na tila patama muli sa iba pang itinuran ni Vidanes sa isang panayam noon. 

Minsan nang nasabi ng direktor na hindi siya nakonsulta sa pagkakaroon ng bagong regular hosts sa “It’s Showtime” nang magbalik ito sa ere sa gitna ng pandemya noong nakaraang taon. 

Sa pagsisimula rin ng 12th anniversary ng programa, pormal nang pinangalanan nina Vice at Vhong Navarro ang opisyal na direktor ng show na si John Moll. 

Ayon sa komedyante, matagal na ito sa palabas at siyang sumaklolo sa kanila nang magkaproblema ang programa mula noong nakaraang taon dala ng pandemya at pagsasara ng network. 

Espesyal din ang naging segment ng “Madlang Pi-Poll” dahil mismong si Alcasid at asawa nitong si Regine Velasquez ang nakipagpulsuhan sa home viewers. 

Mismong ang dalawang sikat na singers ang umawit ng ilang pagpipilian sa ilang tanong na nagpahanga sa mga host at manonood. 

Inalok pa nina Alcasid at Velasquez ang cameraman ng palabas na si Pido na kumanta sa kaniyang magiging kasal sa hinaharap. 

Sa huli, ibinigay din ng dalawa ang kanilang napanalunan na P50,000 sa madlang pipol. 

Watch more News on iWantTFC

Samantala, magkakasama naman sa grupo sa tradisyon nang “Magpasikat” sina Karylle, Kim Chiu at Amy Perez. Habang sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz naman ay makakasama si Ion Perez. 

Si Vhong Navarro naman ang kasama ni Alcasid habang si Vice Ganda ay kagrupo sina Jackie Gonzaga at Ryan Bang. 

Narito ang ilan sa mga kaganapan sa "It's Showtime!"

12th anniversary party ng ‘Showtime’ nagsimula na 1
12th anniversary party ng ‘Showtime’ nagsimula na 2
12th anniversary party ng ‘Showtime’ nagsimula na 3
12th anniversary party ng ‘Showtime’ nagsimula na 4
12th anniversary party ng ‘Showtime’ nagsimula na 5
12th anniversary party ng ‘Showtime’ nagsimula na 6
12th anniversary party ng ‘Showtime’ nagsimula na 7
12th anniversary party ng ‘Showtime’ nagsimula na 8

Mula sa Facebook page ng "It's Showtime!"

Mula sa Facebook page ng "It's Showtime!"

Mula sa Facebook page ng "It's Showtime!"

Mula sa Facebook page ng "It's Showtime!"

Mula sa Facebook page ng "It's Showtime!"

Mula sa Facebook page ng "It's Showtime!"

Mula sa Facebook page ng "It's Showtime!"

Mula sa Facebook page ng "It's Showtime!"