Ethel Booba tinanghal na 'Tawag' celebrity champion

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2019 06:14 PM

Si Ethel Booba ang kauna-unahang celebrity grand champion ng Tawag ng Tanghalan. Michael Bagtas, ABS-CBN News

MAYNILA - Tinanghal nitong Sabado bilang kauna-unahang celebrity grand champion ng "Tawag ng Tangahalan" ng It's Showtime ang komedyanteng si Ethel Booba.

Kasama ni Booba sa top 3 sina Jason Fernandez at Roxanne Barcelo.

Hinangaan ng mga hurado at manonood si Booba dahil sa naging winning number niyang "Never Ever Say Goodbye" ni Nonoy Zuñiga.

Watch more in iWant or TFC.tv

Bago ang finals, nabanggit ni Booba na muntikan na siyang mag-back out sa kompetisyon dahil sa iniindang vocal problem.

Alkohol aniya ang naging daan para malagpasan niya ito.

Pahayag ng komedyante: "Muntik na ako talaga mag-back out kasi nakakahiya!"

Bukod sa tropeyo, napanalunan ni Booba ang P300,000 premyo at recording contract.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.