Jason Dy, inaming nami-miss ang pagiging dancer

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2019 12:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Pinag-usapan sa social media ang biglaang sayawan ng Team Sarah sa victory party ng katatapos lang na "The Voice Kids."

Bukod kay coach Sarah Geronimo, napansin ang hataw na pagsayaw ni Jason Dy na di makakalimutan ang experience.
 
"Paalis na yata si Sarah noon eh. Medyo late na, uwian na, tapos pinatugtog ng DJ 'yung 'Tala.' Tapos bago makaalis si Sarah, hinila muna namin. 'Coach, sayaw muna, sayaw muna,'" aniya.

Trivia ni Jason, requirement sa Team Sarah na alam ang steps ng 'Tala.'

At sa mga di nakakaalam, dancer muna si Jason bago naging singer.
 
"Nasayaw na kasi namin dati kaya alam pa namin ang steps so ayun, nagkasayawan. 'Yung iba sinabi nagulat sila, di nila ini-expect na sumasayaw pala ako. Actually noong sa high school pa, di pa ako kumakanta dancer na po talaga ako," ani Jason.

Kung may mga pumuri, mayroon ding negative comments sa pagsayaw ni Jason, pero hindi naman siya affected.
 
"Okay lang... bahala sila sa buhay nila. Pero ayun, katuwaan lang naman po, sayaw-sayaw lang kami," aniya.

Dahil nakilala bilang balladeer, nagulat ang fans ni Jason sa talent niya sa pagsasayaw na na-miss na niyang gawin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.