PatrolPH

Ai Ai Delas Alas, pinaghahandaan na ang baby sa 2020

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2019 04:51 PM | Updated as of Nov 06 2019 05:00 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

MAYNILA — Hindi na maitago ni Ai Ai Delas Alas ang kanyang pananabik para sa kanyang planong magka-baby muli.

Kuwento ni Ai Ai, todo na ang paghahanda nila ng kanyang mister na si Gerald Sibayan para sa kanilang pangarap na magkaroon ng panibagong miyembro ng kanilang pamilya.

"Physically, emotionally, and financially, we're prepared na. Alam mo naman na breadwinner ako. Baka tumigil ako sandali mag-work, so kailangan natin ng backup," tugon ni Ai Ai sa naging panayam.

Aminado rin si Ai Ai na sa kanyang edad na 54 anyos kailangan rin niya ihanda ang kanyang sarili para sa pagbubuntis.

"Kaya nga mega gym tayo, di ba? Minsan nga naiiyak-iyak na ako kasi ang hirap. Pero para sa pangarap na baby, go lang tayo," sabi pa niya.

Sa tulong ng in vitro fertilization procedure, muling maisasakatuparan ni Ai Ai ang kanyang pagbubuntis.

"Basta by August, pinaka-late na is September next year, so baka buntis ako ng Pasko. In God's will," pahayag pa ni Ai Ai.

Taong 2017 nang nagdesisyon si Ai Ai at nobyo nito na magpakasal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.