Ariella Arida, na-starstruck kay Zanjoe at Angelica

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2018 03:36 PM | Updated as of Nov 05 2018 04:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Malaki ang pasasalamat ni 2013 Miss Universe third-runner up na si Ariella Arida sa positibong komento na kanyang natatanggap sa kanyang pagganap bilang si Irene sa seryeng "Play House."

Kuwento ng baguhang aktres, tinulungan siya nina Zanjoe at Angelica para magampanan niya nang tama ang kanyang karakter.

"First time ko to do acting so parang ang awkward ko talaga, super," kuwento ni Ariella sa naging panayam ng ABS-CBN News sa kanya nitong Linggo sa mall show ng kanyang endorsement. 

"Pero I'm super thankful sa production, sa director namin, sina Angelica si Zanjoe, super supportive sila and talagang tinutulungan po nila ako kung paano 'yung super okay na acting and all."

Kahit na baguhan sa pag arte, hindi rin naramdaman ni Ariella ang ibang pagtingin sa kanya ng mga co-stars sa "Play House."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by PayHouse (@playhouseph_) on

"Noong una, na-starstruck ako kaya siguro noong una medyo nahirapan ako to do acting kasi andon pa 'yung feeling na 'shucks! ito 'yung mga pinapanuod ko, sobrang galing nila umarte.' So ayun talaga 'yung una kong naiisip pero sila 'yung nakatulong sa 'kin kasi ang warm nila, hindi din nila pinaramdam sa 'kin na bago ako," aniya.

Masaya naman ang beauty queen-turned-actress sa tila epektibo niyang pagganap sa paghadlang sa pag-iibigan ng mga karakter nina Angelica at Zanjoe.

"Sa totoo lang natutuwa ako na may naiinis sa character ko, pero mayroon din naman akong nakukuha na parang nakaka-relate sila sa Team Irene na isang kaibigan na hindi nasasabi 'yung nararamdaman kasi kaibigan," pahayag pa niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.