Karla, inalala ang pagpanaw ni direk Wenn Deramas | ABS-CBN
Karla, inalala ang pagpanaw ni direk Wenn Deramas

ABS-CBN News
Published Nov 01, 2018 12:41 PM PHT

MANILA -- Inalala ni Karla Estrada ang yumaong direktor na si Wenn Deramas sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes.

Ibinahagi ni Karla na naging malaki ang epekto sa kanyang buhay nang pumanaw ng direktor noong nakaraang taon.

"Talagang malaki ang impact sa akin ni direk Wenn kasi for a time, siya talaga ang nagbigay sa akin ng trabaho. Noong mga panahon na I think hindi ka lang kailangan noong mga panahon na 'yon, wala kang puwedeng paglagyan, hindi ka puwede rito, hindi ka puwede riyan. Si direk Wenn, lahat ng project niya talagang magkasama kami," aniya.

Maliban sa pagbibigay sa kanya ng tulong pagdating sa trabaho, ibinahagi rin ni Karla ang personal niyang relasyon at ng kanyang mga anak sa direktor.

ADVERTISEMENT
"Kung Christmas nasa akin lahat ng mga anak ko, doon kami kay direk Wenn magpapasko. Kasi doon siguradong may nakahandang gift, Aguinaldo ang mga bata. Ngayon, kung New Year naman at ako lang mag-isa, nandoon din ako sa kanya. So talagang ang pinagsamahan namin ni direk Wenn ay hindi lang sa trabaho, maraming personal na bagay," ani Karla.

"I think lahat kaming mga kaibigan ni direk Wenn, biglaan kasi 'yung nangyari sa kanya at lahat kami ay hindi handa. Pinag-uusapan ay impact, 'yun ang impact sa akin ni direk Wenn, 'yung generosity niya bilang kaibigan sa akin."