Janelle Manahan, inalala ang pagpanaw ni Ram Revilla | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Janelle Manahan, inalala ang pagpanaw ni Ram Revilla

Janelle Manahan, inalala ang pagpanaw ni Ram Revilla

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Pitong taon matapos humarap sa isa sa pinakamasakit na bahagi ng kanyang buhay, naging bukas muli si Janelle Manahan sa pagpanaw ng kanyang nobyo na si Ram Revilla noong Oktubre 28, 2011 sa tahanan nito sa BF Homes, Parañaque.

Matatandaang sa imbestigasyon ay lumalabas na ipinapatay si Ram dahil sa usapin ng pera.

Sa panayam ng PEP.ph, inamin ni Janelle na hindi pa rin niya nakakalimutan ang tagpong kumitil sa buhay ni Ram.

"Yung event nung night na 'yun, everything that happened, every minute, every second yata, tanda ko pa rin… I try not to go back to it kasi mahirap pa rin siya. Para sa akin kasi, feeling ko, parang kahapon lang siya, it’s still so fresh," ani Janelle na naalala pa kung paano siya harapang binaril na muntik na niyang ikinamatay.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Janelle, hindi pa rin niya alam kung paano siya nakaligtas sa pangyayari. KIuwento niya, nagkunwari siyang hindi na humihinga at nang masigurong wala nang tao sa kuwarto ay saka siya nakapag-text upang humingi ng saklolo.

“I’m very grateful na nabuhay ako kasi they could have killed me already. But thankfully, hindi ko talaga alam, but 'yun, I lived. Siguro kasi may purpose. Kasi iniisip ko lagi, kung namatay ako that day, they can easily make up stories, I’m sure, kasi meron nang script 'yun, di ba? But then, 'yun nga siguro, I lived for the purpose of telling the people kung ano talaga 'yung nangyari.”

Inakala rin ni Janelle na mabubuhay pa ang nobyo dahil sa huling beses na nakita niya ito sa ambulansiya ay may buhay pa ito.

Pag-amin ni Janelle, hanggang ngayon ay napapanaginipan pa rin niya si Ram.

“Kailan ba 'yung huli, I think last week, nagising ako in the middle of the night, kasi napapanaginipan ko siya. 'Tapos, I would always wonder why… Sometimes I wonder kung bakit napapanaginipan ko pa rin siya," ani Janelle na hindi nakakalimot na pamisahan si Ram tuwing anibersaryo ng kamatayan nito.

Sa ulat, sinasabing usapin sa pera o ang allowance nilang magkakapatid mula sa kanilang ama ang 'di umano'y dahilan kung bakit ipinapatay si Ram.

“Yung part na yun kasi, for other people it’s very hard to imagine, although ako rin nung una, nagulat rin talaga ako. But then, taking everything into consideration na nalaman ko after nung investigation, siguro every person under the influence of something is, alam mo 'yun, could think of yung pinaka-demonic na ano. Siguro relationship didn’t play a part na sa utak nila kaya nila nagawa 'yun," aniya.

ADVERTISEMENT

Sa tagal ng pag-usad ng kaso, aminado si Janelle na ipinapasa-Diyos na lang niya ang hustisya para kay Ram.

“At first, I was hopeful kasi nga 'yung mga evidence talagang directing to them already, na sila nga 'yung may gawa. But then, I guess, sobrang bagal ng justice system dito," ani Janelle.

"So, ang akin na lang, if not here, justice siguro will be served siguro in the afterlife or something. 'Yun na lang iniisip ko, maybe they won’t be convicted here but there’s God who who will judge them on judgment day. So, yun na lang.

"And then 'yung conscience nila, it’s hard to live with it," ani Janelle.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.