P-Pop group SB19, nagtanghal sa 2023 ASEAN-Korea Round Music Festival | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Showbiz

P-Pop group SB19, nagtanghal sa 2023 ASEAN-Korea Round Music Festival

P-Pop group SB19, nagtanghal sa 2023 ASEAN-Korea Round Music Festival

Wendy Palomo  | TFC News Indonesia

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

INDONESIA - Mainit na sinalubong ng fans ang P-Pop group na SB19 sa Jakarta, indonesia. Nasa bansa ang SB19 para mag-turn over ng cultural package para sa Sentro Rizal Jakarta.

Sila ay tumatayong Youth and Sentro Rizal Ambassadors ng National Commission for Culture And The Arts o NCCA. Ang turn over ay ginawa sa chancery ng Philippine Embassy Jakarta kung saan malugod na sinalubong ang SB19.

“As SB19, we are very honored to be part of the initiatives in promoting the Filipino culture and heritage,” sabi ni Pablo ng SB19.

“The Philippine embassy in Jakarta congratulates SB19 for its outstanding achievements and for representing the Philippines in the Music Festival,” pahayag naman ni Philippine Embassy Jakarta Consul General Bryan Dexter B. Lao.

ADVERTISEMENT

Pagkatapos ng pormal na turn over ng cultural package, bumisita rin ang grupo sa Sentro Rizal library kung saan makikita ang mga libro at iba’t-ibang materials ukol sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas.

Hinihikayat nina Pablo, Stell, Josh, Ken at Justin ang mga interesadong bumisita sa Sentro Rizal.

“Visit us to access our collection of books and materials on Philippine culture, history, tourism, and more about our country. See you, sampai jumpa. Sentro Rizal, sentro ng Filipino. Tuloy po kayo,” ani SB19.

Inimbitahan din ang P-Poop boy band bilang Philippine representative sa ASEAN-Korea Round Music Festival 2023 na ginanap sa Beach City International Stadium sa Ancol, North Jakarta. Ang festival ay nagsimula noong 2020 at pawang online concert ang ginagawa dahil sa pandemic.

Ang Round 2023 sa Indonesia ang unang pagkakataon ng face-to-face performances ng mga performer mula sa sampung (10) ASEAN member-states at South Korea artists.

Ito ay inoorganisa ng Korean Broadcasting System at ASEAN-Korea Cooperation Fund para isulong ang collaborative cultural exchanges sa pamamagitan ng Korea at ASEAN.

Todo bigay ang SB19 sa kanilang pagkanta ng kanilang mga popular na awitin at humataw rin sila sa pagsasayaw. Inumpisahan nila ng Gento na talagang inaabangan ng kanilang mga tagahanga. Kinanta rin nila ang Ilaw, I Want You at Crimzone. Mas natuwa ang Indonesian fans nang nagsalita ng Indonesian sina Josh at Ken.

“Saya cinta kalian semua,” sabi ni Josh.

“Hello semuanya. Kami SB19. Saya dan anda akan menikmati. Kami cinta kamu,” sabi naman ni Ken.

Todo saya ang mga myembro ng Pinoy A’TIN na nakatira sa Indonesia na napanood nila ng live dito sa Jakarta ang kanilang mga idolo.

“Eleven po kaming pumunta dito sa Indonesia para po sa show ng SB19 dito kasi part din po ng promotion for Pagtatag Singapore. Namigay po kami ng mga photocards sa mga nanood po today,” kwento ni Andro Chavez ng A’TIN Singapore.

Bukod sa Round Music Festival 2023, kasali rin ang SB19 sa Playlist Live Festival sa Bandung at sila ay magba-busking din sa Cibis Park, Simatupang, Jakarta.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.