'I thought we were friends': Alexa Ilacad, may sama ng loob kay Sharlene San Pedro | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'I thought we were friends': Alexa Ilacad, may sama ng loob kay Sharlene San Pedro

ABS-CBN News
Published Oct 28, 2019 03:30 PM PHT

MANILA -- Ibinahagi ni Alexa Ilacad ang sama ng loob sa aktres na si Sharlene San Pedro na kasama niya noon sa "Goin' Bulilit."

Sa panayam kay Alexa sa press conference para sa pelikula niyang "Santigwar," naikuwento ni Alexa na nakaranas siya noon nang pambu-bully mula kay Sharlene dahil na rin sa aktor na si Nash Aguas.

Si Nash ay naugnay noon kay Alexa na dati rin niyang love team partner.

“I was so surprised na I woke up one day using my Twitter and I saw na they were teaming up against me,” ani Alexa.

ADVERTISEMENT
“And then, I confirmed na it was real. At hindi lang sila, ‘yung buong group nila na ‘yung iba naman doon talaga, 'Goin’ Bulilit' pa lang, binu-bully na ako," dagdag ng aktres.

Ang mas masakit aniya ay mismong si Sharlene na itinuturing niyang matalik na kaibigan ang isa sa nambu-bully sa kanya.

“Pero I was really hurt, pinaka-hurt kay Sharlene because I thought we were friends. We were okay. Good kami. And then, ayun, nagulat ako one day na, ‘ano 'to?’ Inaaway nila kami ni Jairus (Aquino), pinagtutulungan nila kami. So, sabi ko, ‘saan ito nagsimula?’ And then I found out na ... inutusan daw ni Nash si Sharlene na gawin ‘yun,” kuwento ni Alexa.

Sa tanong kung bakit ngayon lang siya nagsalita tungkol dito kahit matagal na itong nangyari, sagot ni Alexa: "Because I’m so tired, it's so tiring, it’s been so long. And the fact na they’re still grilling me about it. I’m done. I’m gonna say everything once and for all para tapos na. Para tumigil na rin silang lahat. Kung hindi sila titigil, hindi ko sila papansinin, bahala sila.”

Samantala, maliban sa pelikulang "Santigwar" na ipapalabas sa Oktubre 30 sa mga sinehan, ay abala si Alexa bilang parte ng sikat na serye na "The Killer Bride."