Yam Concepcion, hindi inakalang papatok ang kanyang karakter sa 'Halik' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Yam Concepcion, hindi inakalang papatok ang kanyang karakter sa 'Halik'

Yam Concepcion, hindi inakalang papatok ang kanyang karakter sa 'Halik'

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 26, 2018 08:14 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Hindi inakala ni Yam Concepcion na papatok sa mga manonood ang karakter niyang si Jade Bartolome sa sikat na seryeng "Halik."

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, sinabi ni Yam na nagbunga ang hirap niya at ng lahat ng mga tao sa likod ng serye dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood.

"Hindi ko naman ini-expect na ganun 'yung reception na matatanggap namin sa show, especially sa characters namin with Jade. Nakaka-flatter kasi parati kaming puyat, pinaghihirapan namin talaga, inaaral ko rin ang character ko. And it's nice that people appreciate it," aniya.

"Siyempre hindi ko rin in-expect na itong character na ito as Jade ay mapapansin talaga. I think it's based on luck na rin siguro kung kakagatin ng tao," dagdag ng aktres.

ADVERTISEMENT

Dahil sa karakter niyang si Jade, isang may asawang nagtataksil, aminado si Yam na hindi siya nakakalusot sa bashers.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Minsan 'yung iba pini-personal pa. Lahat pinapansin pati ang takbo. 'Ano ba 'yang takbo ni Jade, parang lalaki.' Tapos 'yung butas ng ilong kapag umiiyak, lahat na. Pero it's nice kasi sasabihin nila na, 'I hate you, Jade but I love you, Yam.' So bumawi naman," ani Yam.

"Mommy, if you are watching, pabayaan mo na ang bashers. Huwag ka nang masyadong magpaapekto doon. Si mommy ang pinakanaaapektuhan. I hope I'm making you proud, and I love you," mensahe niya sa kanyang ina.

Sa huli, nagpasalamat si Yam sa lahat ng mga tumatangkilik ng "Halik."

"Maraming salamat dahil marami kaming napapagalit na tao, umiinit ang ulo. Maraming natutuwa, maraming natututo, maraming bumubukas ang isip sa ganitong klaseng sitwasyon sa buhay. Sana ay makatulong kami sa inyo at sana gabi-gabi ay mayroon kayong matutunan sa show namin," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.