Ilang Pinoy horror movies, bibida sa dulo ng 2018 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang Pinoy horror movies, bibida sa dulo ng 2018

Ilang Pinoy horror movies, bibida sa dulo ng 2018

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ilang Pinoy horror movies ang nakatakdang ipalabas sa pagtatapos ng 2018, kabilang ang isang reunion movie ng mga dating cast ng "Goin' Bulilit" at pagbabalik-horror ng aktres na si Andi Eigenmann.

Sa Oktubre 31 nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang "All Souls Night," na pagbibidahan ni Eigenmann, na muling sasabak sa pelikulang kababalaghan matapos ang "Tragic Theater" noong 2015.

Susundan ng "All Souls Night" ang kuwento ng isang part-time employee na na-trap sa haunted house ng kaniyang amo.

Ipalalabas naman sa Nobyembre 7 ang "Class of 2018," tampok sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro at iba pang dating Goin' Bulilit stars.

ADVERTISEMENT

Sa "Class of 2018," mata-trap ang grupo ng mga karakter nina Aguas sa isang military facility.

Dalawang horror movie naman ang lalaban sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre.

Isa na rito ang pelikulang "Aurora," tampok si Anne Curtis na naninirahan sa isang mapayapang isla nang biglang bumangga sa mabatong bahagi ng dagat ang isang misteryosong barko.

Unang beses namang sasabak ng basketball player na si Ricci Rivero sa pag-arte sa barkada horror na "OTLUM," tampok din sa MMFF ngayong taon.

Makakasama ni Rivero sa pelikula sina Jerome Ponce at John Estrada.

--May ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.