Kiray Celis, excited sa reunion project ng 'Goin' Bulilit' stars | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kiray Celis, excited sa reunion project ng 'Goin' Bulilit' stars

ABS-CBN News
Published Oct 25, 2018 07:01 PM PHT

MANILA -- Usapang throwback ang naging tema ng kuwentuhan sa naganap na grand media launch ng action-thriller movie ng T-Rex Entertainment na "Class of 2018."

Dito, muling nagsama-sama ng mga naging miyembro ng
"Goin' Bulilit" na sina Sharlene San Pedro, Nash Aguas, Kristel Fulgar, CJ Navato, at Kiray Celis.

Kuwento ng isa sa mga bida na si Kiray, ibang excitement ang kanilang naramdaman nang malaman na magsasama-sama silang muli sa isang proyekto.

"Yes reunion, very happy. Noong hindi pa kami nagsisimula, very excited kaming lahat. Working with them -- actually, hindi mo siya matatawag na working with them -- it's playing with them, parang laro na may kasamang trabaho. Ganun kami, more on laro kaysa trabaho talaga," aniya.

Kahit na naging matagal na nang huli silang magkatrabaho, hindi na daw ito naging mahirap sa kanila.

"Actually sa original cast kasi ng 'Goin' Bulilit,' hindi mo kailangan ng space. Hindi mo kailangan ng adjustment. 'Pag nagkita-kita kami, ganun, tapos na agad ang laban. Riot na sa saya," ani Kiray.

Bahagi din daw ng kanilang pagkakaibigan ang madalas na pag-usapan ang kanilang buhay pag-ibig.

"Oo naman, hindi naman na bago sa amin 'yun. Normal 'yun. Siyempre, tingin ko pa rin kina Nash and kay Sharlene sobrang baby e. Sila 'yung pinakabata sa amin noon sa buong 'Goin' so parang alam mo 'yun, ano to, harot? Pero hindi kasi tumatanda tayo e," pahayag ni Kiray.

Mapapanood ang "Class of 2018" simula Nobyembre 7, sa direksyon ni Bebs Gohetia.