Sarah G, nakipag-dance showdown sa kanyang impersonator

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2019 01:44 PM

Hindi binigo ni Sarah Geronimo ang mga manonood ng "Magandang Buhay" nitong Lunes, nang sumayaw siya kasama ang kanyang impersonator na si Bench Hipolito.

Matapos na papurihan si Bench dahil sa ginawa nitong opening number para sa "Magandang Buhay" at sa galing nito sa panggagaya sa kanya, game na nakipag-dance showdown si Sarah sa kanyang tagahanga. 

Sabay na isinayaw nina Sarah at Bench ang "Tala."

Watch more in iWant or TFC.tv

Bida si Sarah ng pelikulang "Unforgettable" na ipapalabas sa mga sinehan simula Oktubre 23.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.