Julia Barretto itinangging 'nakisawsaw' sa pisikalan ng ina, tiyahin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Julia Barretto itinangging 'nakisawsaw' sa pisikalan ng ina, tiyahin

Julia Barretto itinangging 'nakisawsaw' sa pisikalan ng ina, tiyahin

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Itinanggi ni Julia Barretto na "nakisawsaw" siya sa umano'y pisikalan na nangyari sa pagitan ng kanyang inang si Marjorie at sa tiyahing si Claudine sa burol ng kaniyang lolo na si Miguel.

Sagot ito sa alegasyong nagtamo si Claudine ng mga sugat sa kamay, paa, at nahilo matapos makasagupa ang mag-ina.

"Wala pong katotohanan 'yan. It's natural for everyone to be concerned but it would be also nice for everyone to give the family the privacy and respect to resolve their issues," ani Julia sa shooting ng iWant series na "I Am U."

Kamakailan ay binatikos si Julia sa pakikisangkot umano sa away nina Marjorie at Claudine, maging ang tiyahin na si Gretchen.

ADVERTISEMENT

Pero tiniyak niya ngayon na labas siya sa sigalot ng kaniyang mga kaanak.

"Wala po akong kinalaman diyan. It's not my battle, di ko siya laban. I'll be praying for them. ‘Yung magkakapatid po lang makakasagot, I don't have the right to speak for them," ani Julia.

Nagsanga na ang eskandalo sa isyung inagaw umano ni Gretchen ang boyfriend ng pamangking si Nicole Barretto na si Atong Ang.

Pero itinanggi ito ni Ang, na pinasinungalingan ding nagkarelasyon sila ni Claudine dati. Business partner lang daw ni Ang si Gretchen at live-in partner nitong si Tonyboy Cojuangco.

"Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro. 'Yun lang ang naging relasyon namin. Si Nicole, pinag-aral ko 'yan, ang nagtrabaho sa akin 'yung nanay niya. Si Gretchen, malapit siya sa asawa ko," ani Ang.

Sa gitna ng lahat, hiling ni Julia na matapos na ang gusot sa kaniyang pamilya.

"We're all praying for the best, the bigger prayer is to have a blanket of protection for everyone. Let's be kind to each other," ani Julia. -- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.