Karylle, Jhong gumanap na higad at ipis sa isang love story

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2017 05:54 PM | Updated as of Oct 20 2017 06:46 PM

MANILA—Ang grupo nina Karylle at Jhong Hilario ang pinakahuling nagtanghal sa “It’s Showtime” para sa “Magpasikat Week.”

Sa pamamagitan ng isang musical play, ibinahagi ng Team Jhong-Karylle ang kahalagahan ng tunay na pag-ibig. Ayon sa kanilang ipinakita, ang pagmamahal ay hindi dapat tumitingin sa panlabas na kaanyuan.

Naging kakaiba ang kanilang pagtatanghal sapagkat mga ipis at higad ang mga karakter na binigyang-buhay nina Karylle, Jhong at mga kagrupo nilang sina Dawn at Mikee ng GirlTrends, at Mccoy, Wilbert at Maru ng Hashtags.

Walang tigil naman ang papuri ng kanilang mga co-hosts sa “It’s Showtime” kabilang na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Amy Perez, Nadine Lustre at iba pa.

Sa Sabado ay malalaman kung sino ang magwawagi sa 2017 "Magpasikat Week" kung saan hurado sina direk Rory Quintos, Janno Gibbs, Ina Raymundo, Marc Logan at Maricel Soriano.