ALAMIN: Mga nakalinyang proyekto ni Regine Velasquez sa ABS-CBN | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga nakalinyang proyekto ni Regine Velasquez sa ABS-CBN

ALAMIN: Mga nakalinyang proyekto ni Regine Velasquez sa ABS-CBN

Kiko Escuadro,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 18, 2018 01:09 PM PHT

Clipboard

Regine Velasquez-Alcasid answers questions during a press conference after her contract signing with ABS-CBN on Wednesday. Gigie Cruz, ABS-CBN News

MAYNILA -- Looking forward na ngayon si Regine Velasquez-Alcasid sa mga nakahandang proyekto na kanyang gagawin sa ABS-CBN.

Kasunod ito ng kanyang opisyal na pagpirma sa Kapamilya network nitong Miyerkoles ng hapon.

Una na dito ang kanyang pagiging regular na bahagi ng "ASAP" tuwing Linggo ng tanghali.

"I really missed having a variety show, and being part of a whole group of singers, singing and doing prodcution numbers, I really, really miss it. So thank you, thank you from the bottom of my heart," bungad na balita ni Regine sa kanyang grand media press conference bilang isang Kapamilya.

ADVERTISEMENT

Bukod sa pagiging bahagi ng nangungunang Sunday noontime show, isang programa din ang pagsasamahan ni Regine kasama ang mister na si Ogie Alcasid.

"For the first time also, I'm going to have a sitcom. I've never done a sitcom before, and nae-excite po kasi I'm gonna be working with my husband, so I'm very excited about that," ani Regine.

"Yung nakikita niyo sa Instagram ko na magulo kami ng asawa ko na parang mag-jowa lang kami, dream ko talaga to work with him. And now I'm given this sitcom, so I'm very excited," sabi pa niya.

Isa rin sa magagandang balita na ibinahagi ni Regine ang pagiging bahagi ng isang singing search kung saan isa siya sa magiging hurado.

"First time ko din ever. Magiging part din ako ng mga isa sa mga judges po ng 'Idol Philippines.' 'Yan ang title, So first time ko mag-ja-judge. Bilang hindi akong judgmental na tao, ngayon mag-ja-judge ako ng isang singing contest. Nakakatuwa parang ang dami kong first," excited na kuwento ni Regine.

Ibinahagi din ni Regine ang kanyang kasiyahan sa kanyang pag-awit sa theme song ng inaabangan na Kapamilya teleserye na "The General's Daughter."

Sa ngayon, excited na rin si Regine sa kanyang mga nakapilang guesting sa ilang Kapamilya shows.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.