PANOORIN: Zaijian at Xyriel, muling nagpakitang gilas sa pag-arte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Zaijian at Xyriel, muling nagpakitang gilas sa pag-arte

ABS-CBN News
Published Oct 14, 2020 01:30 PM PHT
|
Updated Oct 14, 2020 06:06 PM PHT

MAYNILA -- Muling pinatunayan ng mga dating child star na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat ang kanilang galing sa pag-arte.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, kumasa ang dalawa sa hamon na muling gawin ang isang eksena mula sa seryeng "Ikaw ay Pag-Ibig" na ipinalabas sa ABS-CBN noong 2011.

At matapos ang halos 10 taon, aminado si Xyriel na malaki na ang ipinagbago pagdating sa pag-arte ni Zaijian.

"Doon po sa 'di ba noong pinanood natin, sobrang bata pa. Ngayon po may palalim at hinga-hinga na po si Kuya Zij," ani Xyriel tungkol sa kanilang ginawa.

Matatadaang nagkasama sa maraming proyekto ng ABS-CBN sina Zaijian at Xyriel tulad ng "May Bukas Pa," "Noah" at "Ikaw ay Pag-Ibig."

Ayon kay Xyriel, magkaibigan sila ni Zaijian na tinuturing niyang kapatid.

"Sobrang kuya ko po 'yan. Hindi pa po kami lumalabas sa TV sabay na po kami. Kasama po 'yung lola niya, (magkasama na kami) sa fashion show at auditions, mga ganyan. So talagang matagal na po kaming magkakilala. Sobrang na-establish na magkapatid po kami. Kapag pupunta sila rito or pupunta kami or kapag po mga overnight po ang taping, kami-kami ng mga family namin ang magkakasama sa room, tapos nagba-bonding po," ani Xyriel.

Aniya, kahit hindi sila nagkikita o madalas na mag-usap ni Zaijian ay nanatili silang magkaibigan.

"Sa friendship po namin, kahit hindi po kami lagi magkausap or hindi po kami nagkikita talaga as in parang once in a blue moon na lang po, kapag nagkita naman po or kapag nag-usap, parang wala naman pong nangyari, wala pong nagbago," ani Xyriel.

"Totoo po 'yan," hirit naman ni Zaijian.

Ayon sa dalawa, miss na nilang katrabaho ang isa't isa. Dapat ay magkakasama sila sa isang proyekto pero hindi natuloy.

"Tinanggihan niya. Nung nalaman ko nga po na siya ang kasama ko roon sabi ko, 'Sige G (go) na po 'yan.' Tapos tinanong ko po siya sabi niya hindi niya kaya dahil nga po delikado ngayon ang sitwasyon," ani Zaijian.

"Mahirap pong mag-risk. Tapos sakitin pa po ako eh parang lock-in pa po 'yon. Mahirap po. Hindi pa po ako nakakalakbas ng subdivision," paliwanag naman ni Xyriel.