Maymay inimbitahang rumampa sa fashion show ni Rajo Laurel

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2018 04:41 PM | Updated as of Oct 14 2018 12:26 AM

Muling magpapasiklab si Maymay Entrata bilang modelo matapos imbitahan ng isang tanyag na designer na rumampa sa kaniyang fashion show sa Nobyembre. 

Sa isang tweet, sinabi ni fashion designer Rajo Laurel na "pangarap" niyang maparampa si Entrata sa kaniyang fashion show na gaganapin sa Nobyembre 23. 

"My dream is for @maymayentrata07 to walk on show. Nov 23 is the date. I am creating a piece [e]specially [for] her," ani Laurel. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinanggap naman ni Entrata ang imbitasyon ni Laurel. 

“Sikat na designer po 'yun eh parang nakakapawis ba...Kahit hindi niya ako tanungin, o-oo ako doon, si Sir Rajo 'yun eh," aniya.

Kuwento ni Entrata na pinag-aralan na niya ang ilang video tutorials sa Youtube kung paano mag-model. 

Bukas rin siya sa planong magsanay bilang modelo. 

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.