John Prats, labis ang saya sa 'first Prats' ng pamilya | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

John Prats, labis ang saya sa 'first Prats' ng pamilya

John Prats, labis ang saya sa 'first Prats' ng pamilya

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Hindi maitago ni John Prats ang saya sa nalalapit na Kapaskuhan.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, ibinahagi ni John na ito ang unang Pasko na apat na sila sa kanilang pamilya dahil sa paparating nilang baby boy na si Daniel Freedom.

"Answered prayer for the both of us. Kasi siyempre 'yun naman ang dream ng lahat ng mga magulang, to have a healthy baby. Tapos parang bonus na mayroon ka nang babae, tapos mayroon ka pang lalaki," ani John.

"So very excited and thankful for this year dahil before Christmas ay apat na kami. Ang sarap ng feeling."

ADVERTISEMENT

Ayon kay John, labis ang kasiyahan niya sa paparating nilang anak lalo't ito ang unang lalaki sa pangalawang henerasyon ng kanilang pamilya.

"Sabi ko nga talagang sobrang thankful kasi itong next generation ng Prats, si Daniel Freedom pa lang ang boy. Anak ni Camille babae, si Nathan kasi Linsangan. Anak ng brother ko babae, si Feather, babae. So ito pa lang talagang Prats, first Prats," paliwanag ni John.

Nang matanong kung ano ang kuwento sa likod ng pangalan ng anak, sagot ni Prats: "For us ni Liv, parang napag-isipan talaga namin 'yung name ni Lily Feather. Gusto namin na mayroon din siyang unique name. So naisip namin Freedom. Ang first name ng dad ko is Daniel, so ipinangalan ko sa dad ko."

SALUDO KAY COCO

Samantala, maliban sa pagiging direktor ng mga concert ay parte si John ng sikat na seryeng "FPJ's Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Pag-amin ni John, minsan ay nagpapaturo siyang mag-direct kay Coco.

"Si Coco kasi when it comes to narrative, bilib ako sa kanya. Alam niya ang programa niya, alam niya bawat character. So kapag nagdi-direct siya ng 'Ang Probinsyano,' dapat alert ka, you have to be ready, you have to be really passionate about your job. Kung passion at passion ang pag-uusapan, grabe ang passion ng tao na 'yon. 'Yun din siguro ang dahilan kung bakit tumatagal nang ganito ang 'Ang Probinsyano,'" ani John.

Ayon sa aktor, pamilya ang turingan ng mga bumubuo ng "Ang Probinsyano" at malaki ang pasasalamat niya na maging parte ng sikat na serye ng Kapamilya network.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.