Shirley Fuentes, na-gong sa Tawag ng Tanghalan

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2019 06:42 PM | Updated as of Oct 08 2019 08:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Isa ang dating miyembro ng "That's Entertainment" na si Shirley Fuentes sa mga bituin na sumubok sungkitin ang golden mikropono sa espesyal na edisyon ng Tawag ng Tanghalan sa "It's Showtime."

Sa hindi inaasahan, si Shirley rin ang unang celebrity contestant na nanakarinig ng gong matapos niyang awitin ang "Luha" na pinasikat ng Aegis.

Paliwang ng punong hurado na si Jaya: "Siguro this is not a song na kinakanta mo, or hindi lang nagtugma 'yung kinakanta mo doon sa inensayo niyo kanina. Sorry talaga pero kinailangan kita i-gong kasi talagang nagkamali ka doon sa mga parteng narinig namin." 

Watch more in iWant or TFC.tv

"Pero alam ko kung gaano ka kagaling kumanta, alam namin 'yung lakas mong kantahan na 'yan at don't let this discourage you. We love you," pahayag ni Jaya.

Iba naman ang naging pananaw ng kapwa hurado na si K Brosas sa dahilan ng pagkaka-gong ng celebrity contestant sa kompetisyon.

"I think nagkamali ka lang talaga sa pagpasok ng lyrics, 'yun lang ang tingin ko kung bakit ka na-gong. Pero 'yung song choice, walang problema or even areglo it was good. Your voice, walang problema, walang kuwestiyon, walang kupas," ani K Brosas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.