Mura, na-diagnose na may pneumonia | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mura, na-diagnose na may pneumonia

Mura, na-diagnose na may pneumonia

ABS-CBN News

Clipboard

Screenshot mula sa vlog ni Virgelyncares 2.0 Official.
Screenshot mula sa vlog ni Virgelyncares 2.0 Official.

Matapos mapabalita ang ginagawang pagsasaka sa Bicol, ibinahagi ng komedyanteng si Mura na tinamaan siya ng sakit na pneumonia.

Sa vlog ni Virgelyncares 2.0 Official na inilabas noong Setyembre 22, humingi ng tulong si Mura sa vlogger para sana sa gagastusin pang-checkup dahil nahihirapan umano itong huminga.

Kuwento ni Mura, nakita raw na may parang ulap sa baga niya na maaaring sintomas ng pneumonia.

Nakaramdam umano siya ng pagkabahala lalo pa’t kamamatay lamang ng malapit na kaibigan na si Mahal nitong nakaraan.

ADVERTISEMENT

“Yung baga ko nga kasi may pumupulupot na parang ulap, ganu’n. Papunta daw sa pneumonia ba yon? Naalala ko kasi si Mahal na wala na. So, sana maagapan,” sambit ni Mura.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Salaysay pa niya, naubos na rin ang kaniyang iniinom na gamot kaya minarapat na magpatingin ulit sa doktor upang malaman kung may kailangan bang bagong iinumin.

“Nahihirapan nga, eh. Parang may plema dito sa dibdib. Ang gamot na iniinom ko ubos na, eh. Gusto kong ma-continue ba ang pag-inom kung anong klaseng gamot para mabilis gumaling. Kailangan panibagong gamot,” pahayag niya.

Inamin ni Mura na naninigarilyo ito ngunit itinigil na aniya tatlong linggo na ang nakakaraan dahil sa nararamdamang sakit. Mayroon din itong asthma na maaaring maging pneumonia kung mapapabayaan.

Ayon sa doktor, kumpirmadong may pneumonia ang komedyante sa kaniyang left upper lung ngunit normal naman ang iba pang bahagi ng kaniyang pangangatawan.

Madadaan din umano ito sa gamot ngunit hindi mabilis ang paggaling. Pambatang dose lamang ng gamot ang ibinigay kay Mura dahil baka ma-overdose ang katawan nito.

Sa huli, hindi na nagpabayad ang doktor kay Mura at binigyan pa itong mga libreng gamot. Nagbigay din ng cash ang vlogger bilang tulong sa kaniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.