Maiinit na eksena sa 'Wild and Free', ramdam ni Sanya Lopez | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Maiinit na eksena sa 'Wild and Free', ramdam ni Sanya Lopez

ABS-CBN News
Published Oct 04, 2018 07:52 PM PHT

MAYNILA -- Bagong timpla ng pelikula ngayon ang pagbibidahan nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez sa bagong proyekto ng Regal Entertainment na "Wild and Free."

Trailer pa lang, sumabak na sa nag-uumapaw na maiinit na mga eksena ang mga bida nito.

Sa naging panayam ng press kay Sanya nitong Huwebes, ibinahagi niya ang dahilan ng kanyang pagtanggap sa mature at daring na role.

"First of all, kaya ko po siya tinanggap kasi gusto ko po talaga 'yung story and may aral 'yung story namin. Hindi naman din po puro love scene or intimate scene," tugon ng aktres.

"Sa akin po, parang siguro gusto ko talaga, passion ko 'yung pag-arte, 'yung pagiging aktres. Siguro pagdating po sa ganito mas makaka-help po sa 'kin para mag-grow pa kaya ko po siya tinanggap," paliwanag pa niya.

Kahit na umamin kamakailan sa press na "no boyfriend since birth" at virgin pa siya, sinubukan pa rin daw na ibigay ni Sanya ang tamang timpla para sa bawat eksena ng pelikula.

"Sa totoo lang napi-feel ko din naman 'yun e, hindi kasi 'yun yung dapat na maramdaman ko and first time ko po ma-feel yun," masayang sabi pa niya sa press.

"Actually nararamdaman ko pa rin po after namin na ginawa 'yun. Pero ine-entertain ko pa din po kung ano man ang na-feel ko for the sake of the movie. But after that kailangan na mawala 'yun and every time na cut, cut na talaga," aniya.

Kung tatanungin naman sa paggawa muli ng susunod na sexy movie, ito lang ang kanyang naging sagot: "Hindi ko pa masabi, pero we'll see."

Mapapanood ang "Wild and Free" sa darating na Oktubre 11 sa direksyon ni Connie S.A Macatuno.