Actors Guild nakiusap sa mga artistang nagdodroga | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Actors Guild nakiusap sa mga artistang nagdodroga

Actors Guild nakiusap sa mga artistang nagdodroga

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Nakiusap ang aktor na si Rez Cortez, pangulo ng Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon (Actors Guild of the Philippines), sa kapwa artista at mga tao sa likod ng pelikula at telebisyon na gumagamit ng ipinagbabawal na droga na sumuko na lamang.

Ginawa ni Cortez ang panawagan sa isang panayam sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes, ilang oras matapos maaresto si Mark Anthony Fernandez sa Pampanga dahil sa pagdadala ng marijuana.

"Nananawagan ako sa mga artista -- at hindi lamang sa artista kung hindi sa lahat ng manggagawa ng pelikula at telebisyon -- na mag-surrender na tayo bago humantong sa pagkahuli o, sa kasamaang palad, ay nagiging dahilan pa ng mitsa ng kanilang buhay dahil sa hindi sila sumurender. Binibigyan naman tayo ng pagkakataon ng pamahalaang ito, tawagan lang ako. Pwede din naman tayong dumiretso sa pulis o sa kapwa natin artista ay pwedeng lumapit at tayo na ang gagawa ng paraan para matahimik na susurender at kung kailangan ng rehab kami ay tutulong din sa Actors Guild," ani Cortez.

Pag-amin ni Cortez, ikinalulungkot niya ang sunod-sunod na pagkakaaresto ng ilang kasama sa industriya dahil na din sa iligal na droga.

ADVERTISEMENT

"Nakakalungkot nga na itong nakaraang mga araw ay hindi lang, kasi ang Operation Tukhang, ang nangyari ay naabatan sila. Ibig sabihin 'di sila nakinig sa pakiusap ng ating Pangulo (Rodrigo Duterte) at (Gen. Ronald "Bato" dela Rosa). Pati ako, bilang pangulo ng Actors Guild, ay nakiusap din ako na sumuko na at nakikiusap din ako na huwag pangalanan at huwag ng ilabas ang listahan dahil ito ay mga user lamang. Kung sure na ito ay drug lord o pusher ay okay lang 'yon. Pero sa amin sa Actors Guild ay hindi kami titigil sa ganoon. Ang mga users ay biktima. Kung kailangan ay tulungan at kung kailangan ay i-rehab ay tutulungan namin ang aming kasamahan sa industriya," ani Cortez.

Iginiit ni Cortez suportado nila ang pamahalaan sa kampanya nito laban sa illegal drugs at handa aniya ang Actors Guild na tumulong sa mga artista na nais nang sumuko sa pulisya.

"Kahit ang Actors Guild na ang magdala sa kanila sa pulis at sa PDEA. ... Sa mga kabataan, mayroon din akong nakausap na ibang bagets na (sana) tigilan na at sumurender na at kung kailangan ng rehabilitation ay magtutulungan na lang tayo," ani Cortez.

Bago ang pagkaaresto kay Mark Anthony ay nahuli din sa anti-illegal drug operation ng pulisya ang sexy starlets na sila Sabrina M at Krista Miller.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.