'My Little Pony' movie, likha ng Pinoy animators | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'My Little Pony' movie, likha ng Pinoy animators

'My Little Pony' movie, likha ng Pinoy animators

Jeff Fernando,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Ipinagmalaki ng Pinoy animators na ang paparating na major Hollywood animated feature film na "My Little Pony" ay gawa sa Pilipinas.

Eighty percent ng kabuuang pelikula ay halos isang taon na binuo ng Pinoy animators.

"Itong trabaho na ginagawa namin for almost 10 months yata yan ay mapapalabas sa sinehan for the first time at ito ay napaka-iconic na property na kilalang kilala ng marami, hindi lang bata pati matanda," ani Stella Dearing, senior executive vice president ng Top Draw.

Hindi biro ang gumawa ng isang full-length animated movie. Dapat na perpekto ang detalye at pulido ang bawat eksena.

"Kahit kaliit-liitang detalye sisilipin nila. Maiintindihan mo rin kasi widescreen siya so 'yung maliliit na mistake kitang kita," ani Lean Lagonera, creative director ng "My Little Pony."

Trivia pa ni Stella, bawat 15 seconds ng pelikula ay ilang araw ang katumbas na trabaho.

Kaya naman ipinagmamalaki ng Top Draw ang Pinoy animators sa "My Little Pony" na mag-aangat ng husay ng mga kababayan natin pagdating sa animation.

"Ang animation 30 years ng mahigit dito sa Philippines at hindi alam ng ating mga kababayan na marami cartoons na napapanood nila sa TV ay dito gawa," ani Stella.

ADVERTISEMENT

"Kapag napanood niyo ito maramdaman niyo sana ang proudest na naramdaman namin doon sa project. Makikita niyo maiku-compare niyo ang ibubuga ng Pinoy na pwede ipagmalaki sa buong mundo," dagdag ni Lean.

Ipapalabas ang "My Little Pony" sa October 4.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.