Sam Concepcion, inilarawan ang naging relasyon nila ni Kiana Valenciano | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sam Concepcion, inilarawan ang naging relasyon nila ni Kiana Valenciano

Sam Concepcion, inilarawan ang naging relasyon nila ni Kiana Valenciano

ABS-CBN News

Clipboard


MAYNILA -- Matapos ang naging pag-amin ng singer-actor na si Sam Concepcion sa hiwalayan nila ng girlfriend na si Kiana Valenciano, nilinaw ni Concepcion na magkaibigan pa rin sila ng dating nobya.

"We're good. She and I are good friends, she and I still talk. We still have the same friends so there's no weird energy or anything like that," pahayag ni Sam sa naging panayam ng entertainment press sa red carpet premiere ng "Para sa Broken Hearted" nitong Lunes.

Dito, sinabi rin ni Sam na naging espesyal para sa kanya ang kanilang relasyon nila ni Kiana.

"I don't just enter into a relationship naman and I think that's evident. And I will always cherish them. It will always be special to me," ani Sam.

ADVERTISEMENT

Nagtapos man ang matamis na pagtitinginan nila ni Kiana, mananatili naman ang naging magandang samahan nila ng magulang ng kanyang ex na sina Gary at Angeli Valenciano.

"Si Tito Gary and Tita Angeli are so gracious ever since from the start. You know they always say that, they're here for me and I'm here for them that everything will remain the same," sabi pa ni Sam sa press.

Samantala sa naging panayam kay Sam nitong Lunes ng gabi sa "Tonight With Boy Abunda," inamin nito na marami pa siyang kailangan na ayusin sa sarli bago muling pumasok sa isang relasyon.

Oktubre ng 2016 napabalita ang pagmamabutihan nina Sam at Kiana at noong 2017, inamin nila ang kanilang tunay na realasyon sa programang "Gandang Gabi Vice."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.