Vice Ganda, inaming minsa'y naisip na iwanan ang 'Showtime' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda, inaming minsa'y naisip na iwanan ang 'Showtime'

Vice Ganda, inaming minsa'y naisip na iwanan ang 'Showtime'

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 01, 2019 04:50 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Sa ika-10 anibersaryo ng "It's Showtime," inamin ng isa sa mga host nito na si Vice Ganda na minsang sumagi sa kanyang isipan na iwanan na lang ang Kapamilya noontime show.

"After the first season or after the first year, nagpaalam na ako. I felt so tired," tugon ni Vice sa press sa naganap na anniversary press con nitong Lunes.

"Ito 'yung mga panahon na araw-araw sample, araw-araw required ako mag-isip nang may nag-text, naubos ako. Feeling ko talaaga, naubos ako kasi hindi ako sanay sa showbiz. Parang nabigla ako sa bilis nang pagbabago sa buhay ko na hindi ko nasabayan."

Kasabay ng biglang kasikatan sa "Showtime," inamin rin ni Vice na malaking adjustment rin sa kanyang buhay ang kanyang ginawa noon.

ADVERTISEMENT

"Feeling ko hindi ako makalabas ng bahay, hindi ako makapag-jowa, hindi ako maka-raket, hindi ako maka-concert sa ibang bansa kasi dapat araw-araw ka nasa 'Showtime.' Tapos napagod talaga ako nang pagod na pagod," sabi pa niya.

Minsan rin na pinagdaanan ng "Showtime" host ang kawalan ng tiwala sa sariling kakayahan na makapagpatawa ng mga manonood.

"That time, hindi ko nakikita ang purpose nang pagso-'Showtime' ko, akala ko raket ko lang ang 'Showtime' and may kita. That time P5,000 a day ang sweldo ko, so wala kang personal assistant, wala kang make-up artist, wala kang hairstylist, ako (lahat). Wala kang stylist, damit, hindi naman uso ang stylist. So sabi ko, parang its not worth it. P5,000 a day, parang lugi ako," ani Vice.

"Pagod na pagod talaga ako. Tapos feeling ko hindi ako nakakatawa, feeling ko wala na akong maisip na mapapatawa pa. Parang lahat ata ng jokes, naubos ko noong year na 'yun. Kaya sabi ko hindi na po ako magiging effective kasi ubos na ako. Tapos feeling ko tlalaga hindi na ako nakakatawa."

Pagalala pa ni Vice, minsan na siyang nagpaalam sa programa para bumalik sa comedy bar kung saan siya unang nagsimula.

ADVERTISEMENT

"Sabi ko, kailangan ko nang bumalik sa comedy bar, para ma-practice ako, kasi feeling ko nangalawang ako kasi hindi na ako nagko-comedy bar. So gusto kong mag-comedy bar na lang tapos regular guesting pero 'yung regular show ayoko na muna," aniya.

Dahil sa nabuong relasyon sa mga kasamahan sa Kapamilya noontime show, nagdesisyon si Vice na bumalik sa programa.

"Na-miss ko ang 'Showtime.' Na-miss ko si Anne (Curtis), si Anne talaga. Noong umiyak ako, sabi ko, nasanay na ako na nakikita ko na si Anne Curtis, parang ayoko nang hindi ko kasama si Anne Curtis. Si Anne ang malaking rason noon kung bakit ko gusto bumalik ng 'Showtime.'"

At kasabay ng kanyang pagbabalik, alam na rin ngayon ni Vice ang halaga sa kanya ng "Showtime."

"Ngayon talaga, nasa punto ako na hindi ko kayang mawala sa 'Showtime' at hindi ko kayang mawala ang 'Showtime' sa buhay ko, ikamamatay ko. Nakuha ko na 'yung halaga niya sa buhay ko," pahayag pa niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.