Judy Ann, Gary V at iba pang personalidad, rehistradong botante na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Judy Ann, Gary V at iba pang personalidad, rehistradong botante na

Judy Ann, Gary V at iba pang personalidad, rehistradong botante na

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- "Gusto namin ng pagbabago."

Ito ang hiling ng aktres na si Judy Ann Santos matapos niyang makapagparehistro para makaboto sa susunod na halalan na nakatakda ngayong 2022.

Sa Instagram nitong Lunes ng gabi, ibinahagi ni Santos ang ilang mga retrato na kuha habang siya ay nagpaparehistro.

Kasama rin ni Santos na nagparehistro ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo.

ADVERTISEMENT

"Parehistro na po ang mga hindi pa nagreregister... Let’s all UNITE and VOTE," ani Santos sa caption ng kanyang post.



"The first step in making sure our voice is heard. You have till Thursday. Head out and register," ani naman ni Agoncillo.

Nakapagparehistro na rin sa iba't ibang distrito ang ilan pang mga personalidad tulad nina Gary Valenciano, Michael de Mesa at Jed Madela.

"Voter registration ends soon! I’m finally registered. Thanks to the Antipolo government for all the support! Every vote counts my friend. Let's do our part in choosing our next set of leaders. I am praying for wisdom & discernment for all of the voters & for the leaders of our country," ani Valenciano.

Rehistrado na rin sina Arlene Muhlach, Maxine Medina, Dani Barretto at Claudia Barretto.

Nitong Oktubre ay nakiisa ang mga buitin na sina Robi Domingo, Ria Atayde, Donny Pangilinan, Dominic Ochoa, Edward Barber, Heaven Peralejo at iba pa sa isinagawang #HALALAN2022: Andito Kami Para Sa 'Yo voters' registration campaign na inorganisa ng Star Magic, ABS-CBN News, Bayan Mo I-Patrol Mo at Commission on Elections.

Layon nito na ipaliwanag at hikayatin ang mga kabataan na magparehistro para sa nalalapit na halalan.

Sa Setyembre 30 ang huling araw para magparehistro. Para sa mga nais magrehistro magtungo sa irehistro.comelec.gov.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.