Bagong henerasyon ng Revilla papasukin ang mundo ng action movies | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong henerasyon ng Revilla papasukin ang mundo ng action movies

Bagong henerasyon ng Revilla papasukin ang mundo ng action movies

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Mistulang reunion ng magkakapatid na Revilla ang naganap na media conference ng pelikulang "Tres" na isang action trilogy movie ng Imus Productions at Cine Screen ng ABS-CBN Film Productions.

Dito, bibida ang magkakapatid na sina Jolo Revilla, Luigi Revilla at Bryan Revilla sa tatlong kuwento ng aksyon.

Sa panayam ng press nitong Lunes, hindi naiwasan na ikumpara kung sino kanilang magkakapatid ang nagpakita ng husay sa action scenes na nasa dugo na ng kanilang pamilya.

"Hindi namin siya tinitingnan na kinukumpara kami. Kumbaga isang challenge sa amin 'yun to do better," ani Jolo.

ADVERTISEMENT

Gaya ni Jolo, ang pagsunod naman sa mga yapak ng kanyang ama at lolo ang nais tahakin ni Brian.

"Seeing kung ano ang nagawa ng Lolo [Ramon Revilla Sr.] ko at ng tatay ko [Bong Revilla] susubukan po namin na magawa ang nagawa nila," tugon ni Bryan.

Si Luigi naman na bagong pasok sa showbiz, napakinabangan ang hilig sa martial arts na kanyang ginamit sa maaksyong eksena sa pelikula.

"Since first movie ko ito, siyempre kinabahan ako. Pero I was well guided siyempre with the help of my brothers who were there with me since day one," ani Luigi.

Isa din sa napagusapan ang pagiging single ni Jolo. Dito, nilinaw niya ang pagkakadikit ng kanyang pangalan kay Rhian Ramos na kanyang leading lady sa pelikula.

"Napagusapan namin na mali-link kami sa isa't isa. Actually magkaibigan kami pero hindi namin nilalagyan ng malisya. Sana huwag lagyan ng ibang tao ng malisya," pahayag ni Jolo.

Mapapanuod ang "Tres" simula Oktubre 3.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.