Arjo Atayde, pinuri ng Autism Society of the Philippines

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2019 04:28 PM

MAYNILA -- Kasunod ng markadong papel ni Arjo Atayde sa "The General's Daughter" bilang si Elai, umani ngayon ng papuri ang aktor mula sa Autism Society of the Philippines para sa sensitibong pagbibigay-buhay niya sa kanyang karakter na isang person with autism.

Si Elai ang anak ni Nanay Sabel na ginagampanan naman ni Maricel Soriano sa serye.

Sa isang Twitter post ng Autism Society of the Philippines, pinuri nito si Arjo.


 
"Arjo’s portrayal of autism is sensitive and nuanced. The character is well developed and avoided stereotypical caricatures. Bravo!"

Kamakailan lang nagtala ng mataas na rating ang naging pamamaalam ng karakter ni Arjo at Maricel sa “The General’s Daughter”.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa ngayon, aasahan pa ang mas maaksyong kuwento ng "The General's Daughter" sa nalalapit nilang pagtatapos.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.