PANOORIN: Hinagpis ng asawa ni Vhong Navarro sa mga kasong kinakaharap niya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Hinagpis ng asawa ni Vhong Navarro sa mga kasong kinakaharap niya

PANOORIN: Hinagpis ng asawa ni Vhong Navarro sa mga kasong kinakaharap niya

Mario Dumaual,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 21, 2022 09:22 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Ibinahagi ng kabiyak ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista ang sakit na pinagdadaanan niya sa pagbuhay muli ng mga kaso laban sa TV host.

Humarap si Tanya sa media ngayong Miyerkoles para magbigay din ng update tungkol kay Vhong, na aniya'y "broken" dahil sa mga hindi inaasahang twist sa kaso pagkatapos ng walong taon, tulad ng pagka-detain sa kaniya sa National Bureau of Investigation dahil non-bailable ang kaniyang rape case.

Sa isang punto, humingi ng dispensa si Tanya sa silakbo ng kaniyang damdamin. Inamin niyang pinanghihinaan na siya ng loob dahil sa pangyayari. Aniya, "I am not that strong. I only appear strong for Vhong."

Nilarawan din niyang mala-roller coaster ang kanilang buhay ngayon dahil sa magkahalong good news at bad news. Bagaman, binanggit niyang buhos ang simpatiya na kanilang natatanggap.

ADVERTISEMENT

Nag-aalala si Tanya sa panawagan ng kabilang partido na ilipat si Vhong sa Taguig City Jail. "I fear for his safety doon," sabi niya.

Ipinagdiwang lang kamakailan nina Tanya at Vhong ang kanilang third wedding anniversary at 14 na taon nilang pagsasama.

Ani Vhong sa kanyang post, sandigan nila ni Tanya ang isa't isa sa lahat ng hirap at ginhawa. Sobra din daw niyang mahal ang kabiyak, na isang manunulat sa ABS-CBN International.

Nagpasalamat si Tanya sa suporta ng mga nagmamalasakit na kaibigan.

Walang mensahe si Tanya sa kabilang partido, pero mangingiyak niyang iginiit na kung ano man ang kasalanan sa kaniya ni Vhong ay nahugasan na ito ng kanilang pagmamahalan.

Naniniwala si Tanya, sa takdang panahon, mapapawalang sala ang kaniyang asawa sa paggulong ng hustisya.

Aniya, ilalaban pa rin niya at mga abogado ni Vhong ang karapaatan nitong makapagpiyansa sa kaniyang kaso.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.