Danica, inihayag ang sakripisyo ng inang si Dina Bonnevie

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2017 12:59 PM

MANILA -- Pinapurihan ni Danica Sotto ang inang si Dina Bonnevie sa lahat nang ginawa nito para sa kanya at kapatid niyang si Oyo Sotto.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, ibinahagi ni Danica na maraming bagay ang isinakripisyo ng ina para sa kanilang magkapatid.
 
"Kinaya mo mag-isa. At 19 years old, kinaya mo kaming i-raise kami ni Oyo. Before nagka-clash kami na parang tingin ko she's too strict, pero ngayon it all makes sense na para pala sa akin ang lahat nang ginagawa niya and she never complained," ani Danica.

"Minsan naalala ko pa 'yung times na may mga guy pa nga before na boyfriend who wanted to marry her, na gusto siyang dalhin sa ibang bansa, pero nag-decline siya kasi sabi niya, 'I can not leave my kids, my kids are my priorities.' So, she had to sacrifice a lot for Oyo and I, kahit 'yung personal happiness niya. Kaya happy ako ngayon na she's with my stepdad na. Now, 'yung love na ibinigay niya sa akin, my kids can experience the same kind of love, higit pa," dagdag ni Danica.

Para naman kay Dina, na kasal na ngayon kay Deogracias Victor Savellano, masaya siya sa magandang buhay ng anak na asawa ng basketbolistang si Marc Pingris.

"I'm very proud of you Danica, even dumaan ka sa times na rebel without a cause. Pero when you changed, talagang 180 degrees. Sobrang responsible mom, hands-on mom, a very loving wife, sobrang asikaso kay Marc. Actually noong nag-asawa siya, mas naging close kami... she can't stand a week without me. So talagang I love her so much," ani Dina.

Pinapurihan din ni Dina ang asawa ng anak na si Marc dahil sa magandang impluwensiya nito kay Danica.

"They are very lucky to have each other. And ang maganda, now I'm also learning from Danica, I'm learning to be more patient, I'm learning to verbalize more my feeling," ani Dina na muling makikita sa bagong serye ng ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.